Overseas Filipino Workers. Naririnig natin ang mga salitang ito sa radyo. Napapanood natin ito sa telebisyon. Nababasa natin sa mga dyaryo. Makikita sila sa iba't ibang panig ng mundo. Sa madaling salita, ang mga OFW's ay ang mga kababayan nating pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho.
Marami sa atin ay nagtataka: Bakit hindi nalang dito magtrabaho ang mga kababayan nating OFW's? Madali lang ang sagot sa tanong na ito: Mas malaki ang sahod at benepisyo doon kaysa dito. Ayong sa ating gobyerno, ang pagpunta ng mga OFW's sa ibang bansa ay nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Tumutulong sila sa pamamagitan ng pagpapadala ng "remittances" sa kani-kanilang mga pamilya. Dahil dito, nasisigurado ng mga OFW's na nabibigyan nila ng maganda at maliwanag na kinabukasan ang kanilang mga pamilya. Kahit mas malaki ang sweldo ng mga OFW, marami ring mga sakripisyo ang kanilang pinagdadaanan. Unang-una, malayo sila sa kanilang mga pamilya. Dito nagsisimula ang pangungulila nila. Ang hirap talaga maging isang OFW. Haharapin mo ang iba't ibang pagsubok na mag-isa lang. Sa ngayon, marami pa rin sa mga kababayan natin ang umaasa na makamit ang komportableng buhay para sa sarili at sa mga mahal sa buhay.
Sa aking pagtatapos ng aking talumpati, ito lang ang masasabi ko: Pahalagaan ninyo ang mga sakripisyo ng inyong mga magulang dahil hindi madali ang pagiging OFW. Kahit malayo man sila o malapit, ang importante ay ang pagmamahal ninyo sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment